Nasasakoteng traffic violators dumarami

LALONG dumarami ang bilang ng mga nahuhuli kaugnay sa traffic violation na ipinatutupad ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Iniulat ng pamunuan ng PNP-HPG na karamihan sa nahuhuli ay ang mga drayber na lumalabag sa “No Plate, No Helmet, No Travel Policy” na ipinatutupad ng PNP-Highway Patrol Group.

Sa pinakahuling talaan ng PNP-HPG, nasa 1,366 na ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng helmet kapag naka-motor habang nasa 408 ang nahuli dahil sa walang plaka ang sinasakyang motorsiklo.

Pinakahuling nasita dahil sa paglabag sa “No Plate, No Helmet, No Travel Policy” ay ang 27 nagmomotorsiklo kabilang ang dalawang pulis at dalawang nagpakilalang miyembro ng media.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply