Mga paniki ng mobile patrol patuloy na nananalasa

MINSAN pa nating pasadahan ang mga nagliliparang ‘Paniki’ ng Manila Police District sa kahabaan ng Bonifacio Drive sa Port Area at Roxas Blvd cor Kalaw, Ermita Manila.

Isa pong motorista ang nag-react kaugnay sa ginagawang pananalasa ng mga ‘Paniki’ ng MPD.

Basahin natin ang nilalaman ng reaction sa atin ng isang motorista.

Sir Johnny, magandang umaga sa iyo. Bakit yung mga ‘Paniki’ sa Roxas Boulevard ay naglipana pa rin?

Grabe pa rin silang manipsip ng dugo, ubos na ang laman ng bulsa ko sa gasolina, grabe pang mangotong ang mga ‘Paniking’ ito sa aming mga biyahero.

Ang mga Mobile Patrol na regular na nangongotong sa amin ay sakay mula sa mga Mobile Patrol #362, 351, 348 at 363.

Ang mga Mobile Patrol na ito ay patuloy pa rin pong nagtatago sa madidilim na bahagi ng Roxas Boulevard at Bonifacio Drive na naghihintay ng kanilang makokotongang mga biyahero, vegetable dealer at mga ‘no helmet.’

Sana, Mr. Magalona, ay araw-arawin ninyo sa inyong kolum ang mga Mobile Patrol na ‘yan dahil ginawa na nilang hanapbuhay ang pangongotong sa aming mga biyahero. Maraming salamat.

Saklaan ng tong collector ni PD

SINO itong isang nagngangalang LANDONG BULAG na namamayagpag sa bayan ng Alfonso, Cavite?

Nakapuwesto ang saklaan ni Landong Bulag sa Brgy. Amuyong, Balubad, Upli at Palengke Lusuin.

Nakapagtatakang kahit mahigpit ang kampanya ng iligal na sugalan sa Cavite ay patuloy ang operasyon ng pasugalan ni Landong Bulag.

Malakas ang loob ni Landong Bulag na magpalatag ng saklaan dahil siya ang tong-collector ni Cavite S/Supt. John Bulalacao.

May ganun?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply