Mga pulis-QC sumabit uli sa robbery extortion (2)

IPAGPATULOY natin ang pagtalakay sa robbery extortion na kinasasangkutan ng ilang kagawad ng Quezon City Police District.

Nabuking ang kalokohan ng mga iskalawag na pulis makaraang pumayag ang mga ito sa pangingikil na hulugan o two gives.

Sinasabing hinarang nina PO2 Virgille Reynante, sakay ng mobile patrol ang truck na may mga kargang bakal noong nakalipas na Oktubre 3 bandang alas 3:00 ng madaling araw.

Kumpleto naman ang mga papel na ipinakita ng mga pahinante ng truck ngunit sa halip na pakawalan ay dinala raw sa kanilang presinto o PCP ang mga

pahinante at driver ng truck at doon ay pinagkukuha ang mga cellphone at pera ng mga tao nitong si Adora Espinosa.

Ikinulong ang apat na pahinante at ang driver at dahil hindi nakuha ang cellphone ng isa sa mga ito ay  agad na nakatawag sa kanyang among si Espinosa.

Dumating ang negosyante sa nasabing PCP at doon ay hiningan daw ito ni PO2 Reynante ng halagang P100,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang mga tao at truck.

Nagkatawaran ang dalawa at ang P100,000 ay bumaba ng P30,000 at dahil walang pera ang negosyante ay kalahati lang ang naibigay nito  kay PO2

Reynante kaya hindi nakalaya ang lahat ng ikinulong na pahinante.

Sinabi ni PO2 Reynante na pakakawalan lang niya ang dalawang naiwang pahinante kapag naibigay na ang kabuuan ng napag-usapang P30,000.

Agad na nagtungo sina Espinosa sa tanggapan ng CIDU kaya agad ding ikinasa ang entrapment operation sa  SM North sa EDSA sa Quezon City kung saan  ay tinanggap ni Reynante ang tseke na kakulangan ng halaga.

Bukod sa robbery extortion. kabilang sa mga isinampang kaso ang arbitrary detention, grave coercion at code of conduct laban sa grupo nitong si PO2 Reynante na ngayon ay nakakulong na sa Kampo Karingal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply