Mga pulis-QC sumabit uli sa robbery extortion

PANIBAGONG kahihiyan na naman ang nangyari sa  pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pagkakasangkot ng apat na pulis sa limang kaso kabilang na ang robbery extortion.

Mismong abogado ng Criminal Investigation and  Detection Unit (CIDU) ng QCPD na si Atty. Roger Yalung, ang nagsampa  ng limang kaso laban sa apat na mga tauhan ni Supt. Carlito Feliciano ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD.

Isa sa apat na pulis  na sangkot at naaresto ay itong si  PO2 Virgille Reynante, umano’y nahulihan ng tseke at cash na kanyang hiningi sa isang negosyanteng nakilalang si Adora Espinosa, ng Quezon Province.

Kung hindi ba naman dahil sa katangahan nitong si  PO2 Reynante ay  hindi sana sila mabibisto, biruin mo namang nanghingi ng pera sa isang negosyante tapos pumayag ng 2 gives.

Ano yan, Bombay, ginawang  5-6 nitong si PO2 Reynante ang hininging pera kaya ayun swak siya sa entrapment operation na ginawa ng QCPD-CIDU.

Ang tatlong isinangkot na mga kasamahan ang kawawa dito dahil  ayon sa ating mga nakausap na mga pulis ay matitino  naman daw ang tatlo at ang isa dito ay desk officer lang ng Bahay Toro PCP 3 na sakop ng PS-3 ng QCPD.

Sinasabing hinarang nina PO2 Reynante, sakay ng mobile patrol ang truck na may mga kargang bakal noong nakalipas na Oktubre 3 bandang alas 3:00 ng madaling araw.

Kumpleto naman ang mga papel na ipinakita ng mga pahinante ng truck ngunit sa halip na pakawalan ay dinala raw sa kanilang presinto o PCP ang mga pahinante at driver ng truck at doon ay pinagkukuha ang mga cellphone at pera ng mga tao nitong si Espinosa.

Ikinulong ang apat na pahinante at ang driver at dahil hindi nakuha ang cellphone ng isa sa mga ito ay  agad na nakatawag sa kanyang among si Adora Espinosa. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply