Mga sekyu sa 2 mining company nagbarilan

NAGBARILAN ang mga security guards ng dalawang magkatabing minahan sa bayan ng Gen. McArthur sa probinsiya ng Eastern Samar.

Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ang ilang putok ng baril sa minahan.

Walang naman naiulat sa pulisya na nasugatan o napatay sa naturang palitan ng putok.

Ang Masada Mining Company at King Resource Mining Inc. ay magkatabi lamang at matagal na may hindi pagkakaunawaan ang mga ito.

Samantala, kahapon lamang ay umabot ng 500 katao ang nagsagawa ng kilos protesta laban sa Masada Mining Company dahil sa wala umano itong naidudulot na maganda sa mga residente sa lugar. Dagdag pa nilang reklamo ay ang pagiging bastos ng mga empleyado sa naturang minahan.

Kabaliktaran naman ang nararamdaman ng mga residente sa lugar ukol sa King Resources Mining, Inc. dahil sa malaki raw ang naging tulong nito sa kanilang lugar bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply