Mga smuggler sa NAIA dapat dakpin ni BoC Depcom Lim

YAMAN din lamang na si BOC DepCom Danilo Lim ang isa sa mga na-appoint ni Pangulong Noynoy Aquino ay dapat niyang bantayan nang mabuti ang operasyon ng smuggling activities na nangyayari sa bakuran ng DMIA Clark.

Hanggang ngayon po ay grabe ang smuggling activities sa mga Air Cargo via Cebu Pacific from Hong Kong at Jet Star from Singapore.

Talamak araw-araw ang mga ini-ismagel na high-end electronics, laptop, I-pad at  mga modernong cellphone na nakapagtatakang napalulusot ng mga ismagler.

Isang alyas LUCHI at FE ang umano’y nagmamaniobra sa operasyon ng smuggling sa nasabing paliparan.

Ang style ng smuggling nina alyas LUCHI at FE ay swinging from aircaft at idi-diretso po kaagad nila sa kanilang mga warehouse.

Ewan ko lang pag hindi  pa malansag ito ni Gen. Lim sa  ginawa nating pagbubunyag sa iligal na aktibidades.

SAKLA SA CAVITE ‘DI MAPATIGIL

Sakla rito, sakla roon sa lalawigan ng Cavite ang pinatatakbo ni Danny Itlog sa Imus, Noveleta, Tanza at sa mga highland sa Cavite.

Samantala, hindi rin hinuhuli ang saklaan ni Amy sa Imus dahil sa malaki ang ibinibigay nito kay Cavite PD Gen. John Bulalacao.

Hindi rin ginagalaw ng kapulisan ng Cavite ang saklaan ni Perry sa Bacoor dahil kumpleto ang intelihen-siya nito sa mga otoridad.

BOLD  AT SEX-TRADE SA METALICA DISCO

Wala pa ring tigil ang pagpapalabas ng bold shows at sex-trade sa Metalica Disco sa Quezon Ave., Quezon City.

Lantaran ang ginagawang pagbebenta ng katawan ng mga babae rito sa mga VIP room.

Dapat kumilos si PNoy laban sa human trafficking na nangyayari sa club.

Anomang reklamo o pu-na, i-text lang sa 091892-74764, 09266719269 o i-e-mail sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply