Mga sundalo demoralisado na

DEMORALISADO na ang maraming kasundaluhan sa administrasyon.

Umalma ang Minorya sa Kamara de Representantes matapos igiit ng pamahalaang Aquino na tuloy pa rin ang peace talks matapos ang bakbakan sa Sulu na ikinasawi ng 22 na sundalo.

Ito ay matapos ang madugong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo na habang ang lahat ay nakasuporta sa hakbang ng pamahalaan tungo sa kapayapaan ay hindi lamang  pagsuko sa kapangyarihan ang ginagawa ng pamahalaan sa mga rebelde kundi naiiwan ding demoralisado ang mga sundalo dahil sa insidente.

Giit ng batang Arroyo na dapat pag-isipang mabuti ng Pangulong Aquino ang  kanyang posisyon tungkol sa usapang pangkapayapaan sa MILF.

Hindi naman patas para kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang agad ay mahusgahan ang mga sundalo at tumanggap ng pagbatikos partikular yaong mga sangkot sa bakbakan nang hindi pa nlilinawan kung sino ang nagsimula ng kaguluhan.

Si Muntinlupa Rep. Rodolfo  Biazon ay naunang umapela kay Pangulong Aquino na itigil na ang usapang pangkapayapaan sa MILF at agad simulan ang opensiba.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply