Mga suspek sa pagpatay sa pulis, kakasuhan na

KAKASUHAN na ang mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang pulis ng Cagayan de Oro City na si PO3 Quirico Portallo.

Ito ay ayon mismo kay Chief Insp. Henry Cay-as, ang hepe ng Brgy. Puerto Police Station.

Kumpleto na umano ang mga papales para sampahan ng kaso ang mga suspek na sina Cristopher Bustillo, Bimbo Guerama, Jonathan Quilang at Benjie Abecia.

Hawak ng kapulisan ang naunang tatlo subalit patuloy pang pinaghahanap ang trigger man na si Benjie Abecia.

Matatandaang nabaril si Portallo matapos itong rumesponde sa isang emergency call sa Brgy. Puerto, Cagayan de Oro City noong gabi ng Martes, ika-11 ng Oktubre.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply