MIAA umalma sa bansag na ‘worst airport’ sa NAIA

UMALMA ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) nang bansaggan ng isang travel website ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pinakapangit na paliparan sa buong mundo.

Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, sinabi nitong 2010 pa isinagawa ang survey at hindi makatwiran na tawaging pinakapangit na airport ang NAIA Terminal 1 dahil karamihan sa reklamo ng mga biyahero ay naresolba na.

Kabilang umano rito ang mga banyo na isinailalim na sa renovation at mayroon na ring malinis na tubig at sabon bukod pa sa pagsasaayos ng arrival at departure area.

Umamin naman si Honrado na wala talagang lugar para tulugan sa NAIA pero mayroon namang mga upuan na pwedeng gawing pahingahan ng mga biyahero.

Sa isyu naman ng pangongotong, ipinagmalaki ni Honrado na marami na ang mga naparusahang tiwaling opisyal na nasasangkot sa iba’t ibang uri ng korapsyon.

Nagsasagawa na ng structural investigation ang pamunuan ng MIAA para malaman kung puwede pang tumanggap ang NAIA ng iba’t ibang renovation. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply