Midwife na dinukot sa Sulu nailigtas na

NAILIGTAS ng awtoridad ang dinukot na midwife ng mga armadong kalalakihan kaninang umaga, Oktubre 6 sa Indanan, Sulu.

Na-rescue si Evangelin Taversima sa Brangay Kuppung ng pinagsanib na puwersa ng Indanan municipal police, Sulu provincial police forces at civilian volunteer organization na pinamunuan ni Indanan Mayor Sarippuddin Jikiri.

Nabatid pa na nagkaroon pa ng resistance sa panig ng mga kidnappers ngunit sa dami ng sumalakay na pulis, umatras ang mga suspek at iniwan ang kidnap victim.

Dinukot si Taverisma noong Agosto 3 habang papunta na ito sa kanyang duty sa health center ng Indanan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply