Mikey, Angela Arroyo nasa watch list na

NASA watch list order na ng Bureau of Immigration (BI) sina Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at misis na si Angela.

Ang paglalagay sa watch list order sa mag-asawang Arroyo ay ipinag-utos ni Justice Sec. Leila de Lima, para hindi muna makaalis ng bansa ang mag-asawa nang walang permiso ng Department of Justice (DoJ), kasunod na rin ng kanilang tax evasion case.

Magugunitang umalma ang partylist representative sa isinampang kaso sa kanila dahil  bahagi lamang aniya ito ng harassment sa kanilang pamilya.

Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DOJ ng kasong tax evasion si dating presidential son at misis nito dahil sa hindi pagbabayad ng buwis simula 2004 hanggang 2009.

Kasunod nito ay pinagbabayad din ang mag-asawa ng P73.85 milyon bilang aggregate tax liabilities para sa nasabing mga taon.

Ayon kay Chairman Kim Henares, binusisi ng BIR ang Statements of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ng mag-asawa simula 2002 hanggang 2009 at lumitaw na hindi nagsumite ng ITR si Arroyo sa mga taong 2005, 2008 at 2009 habang noong 2004 ay P2.4 milyon lamang umano ang kinita nito, noong 2006 ay may P1.7 milyon net income at noong 2007 ay may P376,000 net income lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply