MILF dapat kasuhan ng murder – Miriam

MATAPOS ang pagpaslang sa 19 na sundalo sa isang engkuwentro laban sa Moro Islamic Liberation Front, iginiit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat kasuhan ng murder ang mga may kagagawan ng krimen.

Aniya, hindi makatwiran at hindi naayon sa kasunduan sa Geneva Convention na paslangin ang mga sundalong nahuli ng buhay ng mga rebeldeng Muslim.

Subalit hindi naman pabor ang senadora na suspindehin ang usaping pangkapayapaan ng gobyerno at MILF sa kabila ng malagim na nangyari sa mga sundalo.

Iginiit nito, ibang usapin ang pagpapanagot sa mga pumaslang sa isyu ng usaping pangkapayapaan .

Tinuligsa rin ni Santiago ang naging pahayag ng Office of the Presidential adviser on the peace process na isolated lamang ang pangyayari lalo na para sa mga nawalan ng mahal sa buhay o naulila ng mga sundalo.

Bagaman nakakalungkot aniya ang pagkalagas ng mga sundalo, dapat pa rin na ipagpatuloy ang usaping pagkapayapaan. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply