MILF ipinagtanggol ng solon

INIHIRIT ng isang kongresistang Muslim na bigyan sana ng pagkakataon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ihayag ang kanilang panig ukol sa serye ng engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga miyembro ng militar.

Ayon kay Sulu Rep. Lady Ann Sahidula, marapat na pakinggan din ng gobyerno ang posisyon ng MILF dahil posibleng nagagamit lamang din sila ng iba pang mga grupo bilang panakip butas.

Paliwanag pa ni Sahidula na maaaring ang ibang mga pag-atake sa Mindanao ay hindi ginawa ng MILF kundi kagagawan ng mga tauhan ng “lost command” o iba pang bandidong grupo.

Posible rin umanong nais lamang ipitin ng ibang grupo ang MILF para dito lamang matuon ang galit ng pamahalaan.

Samantala, sinang-ayunan din ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang panawagan ng mga Muslim solons na hindi solusyon ang paglulunsad ng “all-out war” sa Mindanao para lamang matugis ang mga pumaslang sa may 19 na sundalo sa Basilan.

“What is needed is an intensive police action, hot pursuit operations directed specifically at the MILF units in Basilan responsible for the unprovoked attack on Philippine Army personnel in the area resulting in the killing of 19 Army personnel, six of whom apparently executed in cold blood after their capture.”

Tinukoy ni Golezsna na ang opensiba na inilunsad noong 2000 ni dating Pangulong Joseph Estrada ay isang masamang panaginip para sa may 800,000 sibilyan na nawalan ng tirahan o umalis sa kanilang mga tahanan at sa pamilya ng nasawing 200 sundalo gayundin sa may 400 rebeldeng MILF.

“The solution is to pursue peace in Mindanao and at the same time pursue the MILF units in Basilan. These two objectives are not incompatible. The peace offensive must continue side by side with the military-police offensive against the MILF units in Basilan,” sinabi pa ni Golez. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply