MILF ipinapupulbos na ni Biazon

“SUSPENDIHIN na ang ceasefire!”

Ito ang tinuran ni House defense committee chairman Rodolfo Biazon sa pamahalaan matapos ang sagupaan noong Martes sa Basilan na ikinamatay ng 19 na sundalo ng pamahalaan.

Kaysa makipag-usap sa mga rebelde, dapat umanong pulbusin na ng pamahalaan ang mga rebeldeng MILF at imbestigahan kung may kinalaman sa aksidente ang Abu Sayyaf.

Si Biazon ay dating hepe ng Department of National Defense.

Hindi umano “isolated case ang nasabing pangyayari, ayon kay Biazon. Sa bilang ng patay sa mga sundalo na 19 na, ito ay hindi isolated, ayon sa dating heneral. Pinasinungalingan niya ang pahayag ng negosyador ng pamahalaan na si Marvic Leonen, nagsabing “isolated incident” ang pangyayari at huminto na ang putukan at mapayapa na ang dalawang grupo.

Dahil sa peace talks, ayon sa heneral kaya lumalakas ang mga rebelde at hindi malayong maubos ang mga sundalo ng pamahalaan sa Mindanao kung lagi na lamang nating papayagan ang mga dahilan ng mga rebelde na wala silang kasalanan sa pagkakapatay sa ating mga kasundaluhan, dagdag pa ni Biazon.

Ito na umano ang hudyat, upang ipakita ng administrasyon kung gaano kalakas ang kanilang liderato, upang makuha nang buo ang simpatiya ng militar at mamamayang nagmamahal sa buhay at kapayapaan.

May isanlibong pamilya na ang nagsilikas sa limang barangay ng Al Barka sa Basilan makalipas ang sagupaan. Ang mga barangay na ito ay ang Kilih, Cambug, Macalang, Danapan at Lunuan.

Ang mga residente ay pansamantalang nanuluyan sa mga gusali ng gobyerno sa Batobato, Apil-apil, Magcawa, Guinanta, Bohetambak at Bucalao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply