MILF kakasuhan ng AFP sa Basilan encounter

MAGHAHAIN ng mga kaso ang Armed Forces of the Philippine (AFP) laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na responsable sa pagkamatay ng 19 na sundalo sa Basilan noong Oktubre 18.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesman, lt. Col. Randolph Cabangbang, maghahain sila ng reklamo sa International Monitoring Team kasabay ng kasong kriminal sa korte.

Ilan sa posibleng kaso ay ang multiple murder at multiple frustrated murder na isasampa laban sa mga rebeldeng grupo.

Nanindigan naman si Cabangbang na hindi bahagi ng “area of temporary stay” ng MILF ang lugar ng engkwentro kaya’t walang katotohanan ang alegasyon ng rebeldeng grupo na sumalakay sila sa kanilang hurisdiksyon.

Samantala, natagpuan na ang isa pa sa mga nawawalang sundalo sa naturang engkwentro.

Nakita ang sugatang si Private Michael Natividad sa Barangay Bato-Bato sa bayan ng Arakan.

Sa kabuuan, 19 na sundalo ang nasawi habang 14 ang sugatan sa siyam na oras na bakbakan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply