MILF nakakasa sa panawagang ‘all-out-war’

WALANG pagdududang tinanggap ngayon ng tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front na si Mohagher Iqbal ang panawagan sa pamahalaan na maglunsad ang Armed Forces of The Philippines ng all out war laban sa kanilang hanay.

Ayon sa pahayag ni Iqbal, nararapat lamang na protektahan niya ang kanilang panig.

Sinabi pa ni Iqbal na rerespetuhin nila ang magiging desisyon ng pamahalaan sakaling suspendihin ang nilulutong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

Naki-usap din ito na bilisan na ang pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng Malakanyang.

Ayon kay Iqbal, dapat seryosohin ng dalawang panig ang peace talks kung nais talagang maresolba ang problema sa Mindanao.

Isinisisi ng MILF sa Armed Forces of the Philippines ang sinapit ng 19 sundalong napatay sa Albarka, Basilan.

Iginiit ni MILF Spokesman Mohagher Iqbal na pumasok sa teritoryo ng MILF ang mga sundalo ng gobyerno na wala man lamang aniyang koordinasyon sa kanilang hanay.

Nilinaw din nito na na wala silang nahuling buhay na mga sundalo ng AFP na kanilang binihag at pinatay.

Sinabi pa ni Iqbal na sa bakbakan namatay ang naturang mga sundalo, taliwas sa mga napaulat na may anim na sundalo ang kanilang binihag at pinatay.

Pagtitiyak nito na sa oras na makahuli sila ng mga sundalo ay sinisiguro nitong hindi nila ito papatayin at ibabalik nang buhay sa pamahalaan.

Pagdidiin ni Iqbal hindi nila gawain ang pumatay ng kanilang mga bihag.

Sinabi rin ni Iqbal na ang Abu Sayyaf ang responsable sa krimen at hindi ang MILF sa pamumugot ng ulo ng may sampung Philippine Marines noong 2007.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply