MILF nakiramay sa pagkawala ni Ka Roger

NAKIRAMAY ang Moro Islamic Liberation Front sa pagkawala ng tagapagsalita ng CCP-NDF na si Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Sa isang artikulong nakalagay sa website ng MILF, inilarawan nito si Ka Roger bilang makabayan at handang makipaglaban para maibsan ang kahirapan ng ating ibang kababayan.

“Hailed by his comrades as ‘a courageous fighter, militant defender of the people, respected comrade and good friend,’ Rosal is now considered a hero and ranked alongside other heroes of the Philippine revolution who will forever inspire the Filipino people in their struggle for national and social liberation,” ayon sa artikulo sa MILF website.

Matatandaang nitong nakaraang weekend lamang kinumpirma ng CCP-NDF ang pagkamatay ni Rosal na pumanaw pa noong ika-22 ng Hunyo ngayong taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply