MILF pinalalakas ang puwersa sa Zamboanga Sibugay

NAGPAPALAKAS na ng puwersa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga Sibugay matapos ang bantang “all out war” ng militar.

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Region 9 Director Chief Supt. Elpidio De Asis ang presensya ng umaabot sa 120 MILF lawless elements sa Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni De Asis na galing sa Cotabato City ang nabanggit na puwersa ng MILF at magsisilbing augmentation force sa mga kasamahan nilang napapalaban sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay De Asis, nalaman nila ang presensya ng MILF nang magsagawa ng imbestigasyon ang kanyang mga tauhan sa Mabuhay at Olutanga Municipal Police sa barangay Samonte at Cawilan na unang nagpalipas ng araw ang grupo.

Ayon pa sa opisyal, isang abandonadong paaralan ang nagsisilbi ngayong hideout ng MILF sa lugar.

Kaugnay nito walo katao ang patay na kinabibilangan ng dalawang sundalo, limang sibilyan at isang CAFGU sa dalawang magkahiwalay na pag atake ng mga hinihinalang miyembro ng MILF.

Ayon kay Army Spokesman Major Harold Cabunoc, naganap ang unang pag-atake sa Basilan at ang ikalawa ay sa Lanao Del Norte.

Nabatid na may kabuuang 11 katao ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na insidente.

Inihayag ni Cabunoc na sa unang pag -atake ay limampung miyembro ng MILF sa ilalim ni Hassan Asnawi ang nang ambush sa Sumisip, Basilan na ikinamatay ng limang manggagawang sibilyan at isang CAFGU na nagsisilbi nilang escort.

Batay sa imbestigasyon, lulan ng isang service vehicle ng isang rubber plantation ang mga biktima nang biglang paulanan ng bala ang mga ito ng MILF.

Samantala ang ikalawang pananambang ng MILF ay ginawa sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte na ikinamatay ng ng dalawang sundalo at apat nilang kasamahan ang nasugatan.

Dumadaan ang tropa ng 5th infantry battalion ng Philippine Army sa Tukuran-Parang road nang bilang tambangan ang mga sundalo ng mga pinaniniwalaang kasapi ng MILF. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply