Militanteng grupo nag-planking sa toll gate

NAGKAROON ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng South Luzon Expressway nang mag-planking ang mga militanteng grupo na tumututol sa implementasyon ng 12% VAT sa toll fee ngayong araw.

Walang nagawa kundi magkamot na lamang ng ulo ang nag-iisang pulis doon nang humiga sa kalsada ang may 15 estudyanteng kasapi ng Anakbayan sa gitna ng toll gate sa Bicutan exit, Paranaque City.

Halos nag-usad pagong ang SLEX dahil sa perhuwisyong ginawa ng mga nagpo-protestang estudyante dakong alas-11:00 ng tanghali.

Iginigiit ng mga nagpoprotestang estudyante na hindi makatarungan ang pagpapataw ng 12% VAT sa toll ways dahil isang uri ito ng pahirap para sa mga motorista.

Ang implementasyon sa pagsingil ng 12% VAT sa tollway ay sinimulan ngayong araw.

Kaugnay nito, sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares na wala nang legal na balakid para hindi ituloy ang toll hike maliban kung magpapalabas ng panibagong temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply