Militar pinabulaanan na may 14,000 lumikas sa Basilan, Zamboanga Sibugay

MARIING pinabulaanan ng militar ang balitang nasa 14, 000 sibilyan na ang lumikas dahil sa isinasagawang air strike ng Philippine Air Force sa Basilan, Mindanao.

Tahasang sinabi ni Cabangbang na ang operasyon ng militar ay apat na kilometro pa ang layo mula sa sentro ng Barangay Labatan sa Payao, Basilan.

Sinabi ni Cabangbang na ang target na si Waning Abdulsalam ay namumugad sa dulo ng peninsula na sakop ng Barangay Labatan.

Maaari umanong naririnig ng mga sibilyan ang mga pagsabog ng bomba pero nilinaw nito na ito’y dahil malayo ang nararating ng tunog ng bomba.

Umapela naman si Cabangbang sa mga opisyal ng mga karatig-barangay na abisuhan ang mga tao na under control ng militar ang sitwasyon.

Nauna ito naiulat na umabot na sa 14,000 mga residente ang inilikas ngayon matapos na maapektuhan ng mga labanan sa Basilan at Zamboanga Sibugay.

Ayon sa unang pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na nasa 1, 100 na pamilya o kabuuang 5,500 na indibidwal ang inilikas mula sa Zamboanga Sibugay samantala aabot naman sa 8, 500 na katao ang umalis sa kanilang tahanan sa Basilan dahil sa patuloy na sagupaan ng mga sundalo at MILF.

Tiniyak pa ni Soliman na nabibigyan ng mga kailangan ang mga residenteng inilikas na pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply