Militar umalma na sa mga pag-atake ng MILF

UMALMA na ang Philippine Army sa sunod-sunod na pag-atake ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan at Sultan Naga Dimaporo nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) Spokesman, Lieutenant Colonel Randolph Cabangbang, noong Sabado ng gabi ay nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga miyembro ng MILF 113th Base Command sa Zamboanga Sibugay at 114th Base Command sa Basilan na babalik at titigil na sila sa paglabas sa kanilang area of temporary stay (ATS).

Aminado naman ang MILF na hindi nila naabisuhan ang ilan sa kanilang miyembro na mayroong suspensyon ng MILF military operations simula dakong 10:00 ng gabi noong Sabado kaya nagkaroon ng pang-a-ambush sa Sultan Naga Dimaporo at sa mga trabahador ng isang rubber plantation sa Sumisip.

Paliwanag ni Cabangbang, hindi target ng kanilang operasyon ang mga sub-group ng MILF base command kundi ang mga myembro lamang nito na sangkot sa kidnapping at extortion.

Nilinaw naman ni Cabangbang na 10 MILF lang ang namataan sa isang eskwelahan sa Barangay Samonte sa Zamboanga Sibugay at mali ang naunang napaulat na may 200 miyembro ng MILF ang kumubkob sa Samonte Elementary School.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply