Milyong halaga ng kahoy, troso nasabat ng Navy

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy ang milyon-milyong pisong halaga ng mga iligal na pinutol na troso at kahoy mula sa isang barko sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Naval Forces Western Mindanao Command Commander Rear Admiral Armando Guzman, nagpapatrulya ang kanilang special operations unit sa bahagi ng Lamion Point sa Bongao nang mamataan ang ML Fulna na may lulang mahigit 10,000 board feet ng kahoy at 70 troso.

Sinita ang nasabing sasakyan at nang walang maipakitang dokumento ang kapitan ay kinumpiska ang mga naturang kargamento.

Sa kasalukuyan, tinututukan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagsugpo sa illegal logging, alinsunod sa tinanggap nilang direktiba mula kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng pagpapatupad ng total log ban sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply