Milyong koleksyon sa illegal vendors, ibinulgar ng simbahan

IBINULGAR ng ligal na Samahan ng Baclaran Vendors Association ang pagkakamal ng salapi ni Parañaque City Mayor Florencio “Jun” Bernabe hinggil sa umiiral na “tong collections” sa illegal vendors sa paligid ng Redemptourist Church ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa hinaing ni Our Lady of National Shrine of Mother Help Parish Priest Rector Father Victorino ‘Ino’ Cueto, hindi bababa sa P1.5 milyon kada taon ang nakukuhang illegal collection na umano’y napupunta sa tanggapan ni Mayor Bernabe.

Bukod dito, may nagongolekta rin ng P200 kada sa isang pampasaherong jeep na nauuwi naman sa umano’y kapatid ni Mayor na si Roland Bernabe.

Tinatayang umaabot sa P6,000 kada araw ang biyayang napupunta sa umano’y kapatid ni Mayor.

Ayon kay Cueta, dapat na umanong kalusin ang nagaganap na korapsyon sa mga pamahalaang lokal ng Parañaque na labis na pumipinsala sa ligal na negosyo sa mga ligal na may-ari ng establisimiyento sa area ng Baclaran.

Base sa mga may-ari ng establisimiyento, matagal na nilang inapela, pinanawagan at pinakiusapan sa mga kinauukulan para kalusin ang sitwasyon sa nasabing lugar dahil sa mistulang kabuteng nagtayuang mga stall ng mga vendor sa lugar, subalit tila nagtetengang kawali lamang si Mayor Bernabe.

Naglunsad na rin ang mga ito ng black ribbon protest kamakailan, upang direketang iparating sa mga may-ari ng mga stall, mga illegal vendor, na bigyan naman ng respeto ang sagradong tahanan ng mga mananampalatayang Katoliko, pero naging inutil ang mga maliliit na negosyante.

Kasabay nito, nananawagan sa mga kinauukulan ang mga taong simbahan, na sinusuportahan ng mga may-ari ng mga establisyimentong apektado ng pamamayagpag at pagmamatigas sa lugar ng mga illegal vendors.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply