Mining company nilusob ng NPA, 3 sekyu dedo

UTAS ang tatlong security guard matapos na lusubin ng miyembro ng New People’s Army ang isang mining company sa Claver, Surigao del Norte.

Ayon kay Claver Municipal Chief of Police Diomedes Cuadra, nilusob ng mga rebelde ang Taganito Mining Company sa Barangay Taganito dakong alas-8:00 ng umaga.

Dead on the spot ang mga security guard ng nasabing kompanya na sinasabing nakipaglaban pa sa may 200 rebelde.

Hindi nkapasok ang mga pulis sa mining area na hinihinalang may mga nakatanim pang landmine sa paligid.

Kinumprima ngayong gabi na hawak pa rin ng mga rebelde ang tatlong empleyado ng nasabing mining company.

Bukod sa Taganito Mining Company, ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Agrimero Cruz, nilusob rin ng NPA ang Platinum Metals Group Corporation sa Sitio Kinalablaban sa Cagdianao sa nasabi ring bayan.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply