Miriam pasok sa pagpipiliang judge sa ICC

SA WAKAS ay nakapasok na rin bilang isa sa pagpipiliang judge ng International Criminal Court (ICC) si Senadora Miriam Defensor Santiago na matagal-tagal din nitong inasam.

Matatandaang umalis ng bansa si Santiago upang mangampanya bilang nominado sa ICC.

Kasunod nito ay nagpaabot naman ng kasiyahan ang Department of Foreign Affiars (DFA) sa naging findings ng Independent Panel na pasok sa kuwalipikasyon si Santiago bilang judge ng ICC.

Ayon kay DFA Secretary Albert Del Rosario, ang findings ng Independent Panel ay patunay lamang na hindi nagkamali ang pamahalaan na isulong ang kandidatura ni Santiago dahil sa bigat ng kuwalipikasyon nito bilang huwes sa ICC.

“The finding of the Independent Panel validates the confidence the Philippine Government has placed on the excellent qualifications and outstanding character of our candidate, Professor Dr. Miriam Defensor Santiago,” ayon kay Del Rosario.

Si Santiago na dating trial court judge at kilalang international law expert ay isa sa 19 na kandidato para sa anim na posisyon sa ICC.

Gaganapin ang eleksyon para sa December 12-21 kasabay ng 10th Assembly of States Parties sa New York.

Ang International Criminal Court ay isang permanenteng tribunal para i-prosecute ang sinumang nasasangkot sa genocide, crimes against humanity, war crimes at crime of aggression.

“We see the ICC as playing a significant role in ending impunity, preventing crimes against humanity and in strengthening international peace and security. The Philippines wishes to contribute to the work of the ICC and has launched the candidature of Santiago with this topmost in our minds,” ayon kay Del Rosario. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply