Misis, katulong, 2 anak niratrat ng ex-OFW

PATAY ang isang misis, dalawang anak at isang kasambahay nang pagbabarilin ng napraning na dating overseas Filipino worker (OFW) na nagpakamatay din kaninang umaga sa Barangay Tabunok, Talisay City Cebu.

Ayon kay Provincial Police Director ng Cebu, Sn. Supt. Pat Commendador, ang malagim na insidente ay naganap alas 7:30 kaninang umaga nang pagbabarilin at paslangin ng suspek na kinilala lamang sa Emmanuel Sanchez ang kanyang asawa, kasambahay, at dalawang anak.

Dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon na isinugod sa pinakamalapit na ospital at nilalapatan ng lunas.

Nabatid na matapos patayin ang kanyang pamilya ay nagpakamatay din ang suspek sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa motibo sa pammaslang at pagkakilanlan ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply