Misis kinaliwa ni mister, nagpakamatay

DAHIL sa depresyon nang malamang niloloko ng kanyang mister kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang misis sa Agora Lapasan, Cagayan de Oro iniulat ng pulisya ngayong araw.

Ayon sa pagsusuri ni Friday Llanas, Psychiatric ng Capitol University, ang pagpapakamatay ni Meleth Minguito ay may kaugnayan sa matinding problema nito sa kanyang mister.

Ayon kay Llanas, hindi na nakaya ni Meleth ang problema nang malamang may kinababaliwang ibang babae ang ama ng kanyang anak.

Bukod sa problema sa asawa, natuklasan din na mula sa broken family ang biktima na posibleng ayaw naman nitong maranasan ng kanyang anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply