Misis ng inalat na OFW humingi ng ayuda

HUMIHINGI ng tulong sa pamahalaan ang asawa ng isang Overseas Filipino worker (OFW) hinggil sa patung patong na kamalasan na naranasan ng kanyang asawa matapos itong mabundol, mawalan ng hanapbuhay at naging talunan pa sa kaso nang idemanda niya ang nakaaksidente sa kanya sa United Arab Emirates (UAE).

Dahil sa masaklap na sinapit ng OFW na si Lory Calago, patuloy pa rin humihingi ng tulong ang kanyang asawa sa pamahalaan pati na mga indibidwal na may kakayahang sumuporta at magpadala ng tulong pinansiyal.

Batay sa ulat, noong Agosto 8 ay kinakitaan ng kasiyahan si Calago dahil isang buwan gulang na ang kanyang anak kasabay ang pagkaka-promote niya sa trabaho.

Pauwi na siya sa kanyang tinitirahan nang mabundol ng kotse sa Jebel Ali Free Zone at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan

Agad na isinailalim siya sa operasyon at nilagyan ng metal screw ang kaliwang paa.

Sinikap ni Calago na masampahan ng kaso ang driver ng nakasagasa subalit natalo nitong Oktubre 11 matapos magpasya ang hukuman na inosente ang nakabundol at “guilty” si Calago.

Umiiyak naman inihayag ni Gng. Calago na hindi makapagtrabaho ang kanyang mister mula nang maaksidente.

Aniya wala silang salapi upang tustusan ang susunod na operasyon ng kanyang asawa.

Kinakailangan din nila ang pambayad sa abogado na magtatanggol para sa kanilang pagsasampa ng apela sa hukuman. Jay Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply