Mister huli ni misis na minomolestiya ang anak

SWAK sa kulungan ang isang mister matapos maaktuhan ni misis na minomolestiya ang kanilang dalagitang anak sa Caloocan City kagabi (Oktubre 23).

Nakilala ang suspek na si Mang Nardo, nasa hustong gulang ng Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, magkakatabing natutulog ang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang magising ang ina ng 11-anyos na biktimang at nakitang umiiyak ang anak habang hawak ang ari ng suspek.

Napaigtad ang suspek nang malamang nagising ang asawa na naging dahilan upang lumabas ng bahay.

Nabatid pa na limang beses nang ginagawa ang kahalayan sa anak na hindi pumapalag dahil sinasaktan ng suspek kapag tumatanggi.

Sinamahan ng ina ang biktima sa presinto at ipinadakip ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply