Mister kinatay sa harap ni misis sa Caloocan

PINATAY ang isang mister ng apat na lalaki habang ang una ay naghihintay ng masasakyan kasama ang misis sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Commonwealth Hospital and Medical Center si Marlon Pragacha, 32, ng Phase 12, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Francisco Reyes, 19, habang nakatakas sina Dennis Eugenio, 24; Roy Viernes, 18 at Raymond Guinto, pawang ng Malaria.

Sa ulat, alas-2 ng madaling araw, nag-aabang ng masasakyan ang biktima kasama ang misis na si Lennette, 25 sa Asconville, Malaria nang sumulpot ang mga suspek at pinagtulungang pagsasaksakin si Pragacha.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa CHMC habang nadakip naman ng mga pulis si Reyes.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply