Mixer tumagilid sa C5

ISANG mixer truck na puno ng semento ang tumagilid sa kahabaan ng C5 sa harap ng Tiendesitas sa Ortigas.

Tumapon ang lamang hinalong semento mula sa mixer na nagdulot ng pagkaabala sa maraming motorista na dumadaan sa lugar.

Ayon sa MMDA, iniwasan ng mixer ang ang isang motorsiklo sanhi ng kanyang pagtagilid.

Hanggang sa kasalukuyan ay mabigat pa rin ang trapik sa kahabaan ng C5 habang patuloy naman ang ginagawang paglilinis ng MMDA sa natapon na semento sa naturang daan para hindi na ito tumigas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply