MMDA: 424 ‘illegal’ billboard babaklasin sa Edsa

TINIYAK ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na babaklasin na nila ang 424 “illegal” billboard sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa) mula Roxas Boulevard sa Pasay City hanggang Balintawak, Quezon City.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng P1.3-bilyon badyet ng MMDA, sinabi ni Tolentino na naudlot lamang ang pagbabaklas sanhi ng temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Supreme Court.

Pero, ngayong napaso na nitong ika-22 ng Setyembre ang TRO, sinabi ni Tolentino na wala nang makapipigil sa ahensiya na baklasin ang illegal billboard sa Edsa.

“We will dismantle around 424 billboards along Edsa from Roxas Boulevard, up to Balintawak in Quezon City, for violation of existing laws and regulations,” ayon kay Tolentino.

Aniya, napatunayan ng MMDA na lumabag ang may-ari ng mga billboard sa umiiral na batas kabilang ang regulasyon sa pagtatayo o paglalagay ng billboard sa maraming lugar sa Edsa.

“Maaari nang buwagin o baklasin ang mga billboard dahil napaso na noong September 22, ang TRO na ipinalabas ng Supreme Court,” ayon kay Tolentino.

Kabilang sa nilabag ng mga may-ari ng billboard ang National Building Code at walang building permit nang itayo ang kanilang karatula.

Aabot sa mahigit 2,000 ang nakatayong billboard sa kahabaan ng Edsa na karamihan ay nakatugon sa pangangailangan ng batas at regulasyon ng ipinalabas ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply