MMDA chairman nadaganan ng motorsiklo

NADAGANAN ng sariling motorsiklo si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino habang nililinis sa kanilang bahay sa Ayala, Alabang.

Sinabi ni Tolentino na inihahanda niya ang kaniyang motor na gagamitin sa pagsisimula ng implementasyon ng motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue at Macapagal Boulevard para bukas ng umaga nang madaganan siya nito.

Ayon aniya sa doktor, naghiwalay ang dalawang buto ng kaniyang kanang kamay kaya inirekomendang sementuhan ito.

Binanggit ni Tolentino na ang dinanas niyang freak accident ay patunay na ang aksidente ay hindi lang sa pagpapatakbo ng motor kundi kahit nakahinto.

Sa kabila ng aksidente, dadalo pa rin si Tolentino sa programa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply