MMDA: Edsa magsisikip kaya’t iwasan na muna

NAGBABALA ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan munang dumaan sa kahabaan ng Edsa hanggang sa araw ng Linggo (Oktubre 23) sanhi ng inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko dito dahil sa magkakasabay na aktibidad na inaasahang daragsain ng maraming tao.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa Edsa-Cubao area dahil idaraos sa Araneta Center ang anibersaryo ngayong araw ng “Will Time, Big Time” na tiyak na daragsain ng tao.

Bukod dito, magdaraos din ng kanilang ika 75-taong Homecoming ang Ateneo Law School na gaganapin sa Edsa-Shangrila Hotel malapit sa SM Megamall sa kahabaan ng Edsa Mandaluyong City.

Kasalukuyan din aniyang may idinaraos na Megatent Sale sa Meralco Tent sa Ortigas area na magtatagal hanggang sa araw ng Linggo kaya’t tiyak na masikip din ang daloy ng trapiko rito.

Sinabi ni Tolentino na makabubuting gamitin muna ng mga motoristang tumatahak sa Edsa ang Mabuhay lanes na alternatibong daan sa halip na makipagsiksikan pa sa mahabang pila ng sasakyan sa Edsa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply