MMDA nagpakalat ng tauhan para sa Undas

NAGPAKALAT na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga tauhan para magbigay tulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko kaugnay sa paggunita sa Undas.

Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, nagtalaga na rin sila ng mga tauhan sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay Tolentino, buong puwersa ang kanilang ahensya sa pagtutok sa sitwasyon ngayong Undas upang magbigay ayuda sa mga motorista na nagkakaproblema sa lansangan.

Inaasahang matatapos hanggang mamayang hatinggabi ang mga road re-blocking sa ilang lansangan sa Metro Manila tulad ng Edsa.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ginawa lamang ang re-blocking dahil sa long weekend at sinamantala rin  ang magandang panahon.

Nakipag-ugnayan din ang MMDA sa publiko na bitbitin ang kanilang mga basura matapos bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon kay Tolentino, responsibilidad ng mga operator ng sementeryo at maging ng local government units ang paglilinis ng mga basura. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply