Monopolya ng PLDT sa merkado haharangin

ISINULONG ngayon ni Quezon City Rep. Winnie Castelo ang pag-amiyenda sa Republic Act 7925 o Public Telecommunications Policy Act of 1995 upang matiyak na hindi ito maaabuso sa pagsasanib ng Philippine Long Distance Telephone Company at ang dating kakompetensyang Digital Telecommunications Philippines Inc. (Digitel).

Nais ni Castelo na magkaroon ng sapat na kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC)na maipatupad ang kondisyong nakapaloob sa PLDT-Digitel merger at tiyakin na ito ay maisakakatuparan.

Ginawa ni Castelo ang mungkahi sa gitna ng inisyung pahayag ng NTC na nagbigay ito ng “conditional approval” sa pagsasanib ng PLDT at Digitel upang makaiwas sa aniya’y “bigger PLDT” kung saan kontrolado nito ang 70 porsiyento ng telecommunications market sa bansa.

“The focus of the proposed amendments on RA 7925 is mainly on the bigger PLDT,” ayon kay Castelo bagama’t tiniyak niya na ang pagsasanib na ito ay mauuwi sa monopoly.

Nais ni Castelo na maamiyendahan ay probisyong “significant market power” upang mabawasan ang posibilidad na maabuso ng PLDT ang merkado.

Isa pang isinulong ng kongresista ay ang mapatatag ang NTC bilang isang collegial quasi-judicial body upang agad makapagpatupad ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya gayundin ang protektahan nito ang “end-users from monopolistic practices” at masiguro ang patas na kompetisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply