Most wanted sa Bukidnon tepok sa arresting team

NAPATAY ang 13th most wanted sa lalawigan ng Bukidnon at ang kasama nito matapos manlaban sa arresting team na kinabibilangan ng PNP Regional Special Operations Group-10 sa Juanilla Village, Valencia City.

Kinilala ang mga biktima na sina Jovel Fabricante at Reynante Palad, pawang miyembro umano ng Batistel Criminal Gang at sangkot sa gun for hire, murder, robbery at carnapping.

Ayon sa hepe ng RSOG-10 na si Col. Reynante Reyes, napilitan lang umano sila magpaputok nang hagisan sila ng granada ng mga suspek habang isini-serve nila ang warrant of arrest.

Namatay on the spot si Fabricante dahil sa tama ng bala sa ulo samantalang si Palad naman ay binawian din ng buhay dahil sa tama sa dibdib sa ospital na pinagdalhan.

Nakuha sa crime scene ang dalawang kalibre .45 at ilang granada.

Nabatid na si Fabricante ay may patong sa ulo ng nagkakahalaga ng P150,000.00.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply