Motocycle lanes, headlights rule ipatutupad sa Lunes

MARIING ipinaalala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magkasabay na ipatutupad ang “motorcycle lane” sa Commonwealth at Diosdado Macapagal Avenue at ang headlights rule sa mga motorsiklo sa Lunes (Oktubre 17).

Ayon kay MMDA General Manager for Operations Atty. Emerson Carlos, ipatutupad ang palagiang pagbubukas ng headlights ng mga motorsiklo sa nabanggit na daan kahit sa umaga.

“Napapansin po kasi ng MMDA na pinakamaraming traffic accidents ay involving motorcycles at kasabay nga po ng paglulunsad ng motorcycle lane ay ipapatupad din po namin nang mahigpit ang paggamit ng headlights sa mga motorcycle kahit sa umaga,” ayon kay Carlos.

Sinabi pa ni Carlos, ang motorcycle lanes ay non-exclusive motorcycle integrated lanes kaya maari pa rin itong daanan ng mga apat na gulong na sasakyan. Ngunit ito lamang ang natatanging daan na maaring pasadahan ng mga motorsiklo sa mga nabanggit na highway.

Ang proyekto ay alinsunod sa mandato ng ahensiya na tiyakin ang pampublikong seguridad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply