Motorcycle lane dinadaanan ng kotse, bus

DISMAYADO ang mga nagmamaneho ng motorsiklo matapos ang unang araw ng implementasyon ng motorcycle lane sa Commonwealth Ave. at Macapagal Ave. kung saan umabot sa mahigit isang libo ang nasita ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Reklamo umano ng mga nakamotorsiklo ay ang pakikipagsabayan ng mga sasakyang apat ang gulong sa motorcycle lane.

Ayon sa kanila, hindi malinaw ang isinagawang hakbang ng MMDA sa pag-aatas ng linya para sa mga nakamotorsiklo dahil pumapasok umano sa mga linya maging ang mga kotse at bus. Ang mga nakamotorsiklo naman kapag lumipat sa ibang linya ay huhulihin ng MMDA.

Hindi muna pinagmulta ang mga nahuli ngayung araw subalit inobligang mag-seminar ng Traffic Education Program ng MMDA. Dinedma lamang ito ng mga nasitang motorista dahil ginanap ang mga seminar sa tabing kalsada na ubod ng ingay kaya’t hindi rin naintindihan ang mga itinuturo ng nangangasiwa rito.

Balak namang pinturahan ng MMDA ng mga reflectorized paint ang mga kalsadang gagamiting motorcycle lane upang kahit gabi ay madaling makita ng mga motorista. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply