Motorcycle lane ng MMDA binatikos

BINATIKOS ng grupo ng Motorcycle Rights Organization (MRO) ang magulong unang dalawang araw ng implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Diosdado Macapagal Boulevard.

Ayon kay MRO Chairman Jobert Bolaños, kulang ang naging information drive ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naturang panukala.

Binigyang diin ni Bolaños na wala ring ibinigay na malinaw na panuntunan ang MMDA para sa lahat ng mga motorista.

Dahil dito, umaasa si Bolaños na muling pag-aaralan ng pamunuan ng MMDA ang kanilang panukala para hindi umano maging “pawarde-warde” ang pagpapatupad ng batas.

Tinutulan din ng grupo ang plano ng MMDA na barikadahan ang lane na para sa mga motorsiklo.

Paliwanag ni Bolaños malilimitahan ang pagkilos ng mga nagmomotorsiklo at hindi makai-iwas ang mga ito sakaling may maaksidenteng kapwa nagmomotorsiklo sa kanilang unahan.

Pinanawagan din nito ang pansamantalang pagsuspinde sa ipinatupad na motorcycle lane sa kahabaan ng Macapagal Boulevard at Commonwealth Avenue.

Ayon kay Bolaños dapat makonsulta muna ng MMDA ang lahat ng mga stakeholders bago muling ipatupad ang naturang panukala.

Maliban dito, sinabi ni Bolaños na dapat dumaan muna sa masusing pag-aaral ang implementasyon ng motorcycle lane. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply