Motorcycle lane tatawaging ‘blue lane’

TATAWAGIN na ngayong “blue lane” ang ika-apat na lane sa Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon at unang lane sa kanan ng Macapagal Avenue sa lungsod ng Pasay

Ang dalawa ay mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na nilagyan ng linya para sa motorcycle lane ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabigyan ng nararapat na daanan ang mga motorsiklo at upang mabawasan ang mga aksidente sa daan.

Magdamag na nagtrabaho ang mga tauhan ng MMDA sa pagpipintura ng asul sa motorcycle lane upang madaling makita ang mga motorsiklo at upang magabayan ang mga motorista.

Ang pintura ay madaling makikita sa gabi at may halong polymer chemical upang hindi kaagad mabura.

Nagsimula nitong Lunes (Oktubre 17) ang isang linggong trial run ang mga motorsiklo, ang mahuhuling pasaway ay sasailalim sa 15 minutong seminar sa road safety. Bibigyan ng special sticker ang nakakatapos ng seminar na ididikit sa motorsiklo nito. At kung kailangan nilang lumiko papunta sa kanilang destinasyon, kailangan nilang lumabas 100 metro mula sa itinakdang lane.

Muli, paalala ng MMDA sa mga motorist na laging mag-ingat, sundin ang 60 kph speed limit, palagiang itsek ang sasakyan at magsuot ng protective gear. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply