Motorcycle lane

DAHIL sa tumataas na bilang ng mga aksidenteng may kinalaman motorsiklo, napagdesisyunan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na maglatag ng kalsada para sa mga motorista sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at Macapagal Ave. sa  Pasay City.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang ika-apat na linya ng Commonwealth Avenue at unang linya sa Macapagal Avenue ay ilalaan para LAMANG sa mga motorsiklo. Mariin niyang iginiit na mahigpit na ipinagbabawal ang paglipat ng linya o changing lanes, at kung kinakailangan mang kumanan o mag-U-turn, 100 metro pa lamang ay kinakailangan nang lumabas ng mga motorist sa kanilang sariling linya.

Dagdag pa ng MMDA, pagmumultahin ang sinumang lalabag sa bagong batas na ito. Sinabi rin ni Tolentino na bagamat may sarili nang linya ang mga motorsiklo, kailangan pa rin nilang sumunod sa 60-kilometer per hour na speed limit sa parehong hi-way.

Ayon naman sa head ng Traffic Engineering Center ng MMDA na si Noemi Recio, bubuhayin nilang muli ang Memorandum Circular na inilabas na ng MMDA ilang taon na ang nakararaan na nag-aatas sa mga naka-motorsiklo na panatilihing nakabukas ang kanilang mga headlight, araw man o gabi.

Magsisimula ang dry run sa Oktubre 10, at ang pormal na pagpapairal ng batas ay sa Oktubre 17. Malalaman natin kung magiging epektibo ito.

***

Binabati ko ng belated Happy Birthday ang aming mahal na Section Editor na si DJ Matt Montoya. Mabuhay ka sir!

***

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810 AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide.

Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/Inside Motoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply