Motorcycle lanes ipagagamit na

INILUNSAD na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang information drive ukol sa motorcycle lane.

Ito ay upang ipabatid sa mga motorista ang inilaan na lane para sa mga motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth at Macapagal avenues sa National Capital Region (NCR).

Ipatutupad ang panibagong batas trapiko para sa mga motorcycle driver sa Lunes (Oktubre 17).

Ngayong araw ay sinimulan na nilang mamahagi ng pulyetas sa mga motorcycle driver upang maiparating ang nasbaing bagong batas.

Naglagay na rin ng mga road sign ang MMDA kung saan nakasaad ang: “Motorsiklo,” upang ipaalam ang motorcycle lanes sa mga lugar sa kahabaan ng fourth lane ng Commonwealth Avenue, at sa kanang bahagi ng kahabaan ng Macapagal Avenue.

Magkagayunman sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi pa sila manghuhuli ng mga motorcycle drivers na hindi gagamit o daraan sa motorcycle lanes ngayon.

Samantala, muling nagpaalala si Tolentino na sakop ng 60-kilometer per hour (kph) speed limit ang mga motorsiklo na ipinatutupad sa kahabaan ng Commonwealth at Macapagal avenues.

Sa datos ng MMDA Road Safety Unit, ang motorsiklo ang may pinakamaraming aksidenteng inabot sa unang anim na buwan ng 2010: 329 (o 32.97 percent) sa lahat ng naitalang mga aksidente sa nasabing panahon.

Pumangalawa ang kotse na may naitalang 201 aksidente sa nasabi ring period.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply