Motorcycle lanes tuloy kahit Undas

KAHIT na sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang number coding scheme hanggang sa Miyerkules (Nobyembre 2) pinaalalahanan naman nito ang mga motorcycle riders na tuloy ang kautusan nila sa motorcycle lanes.

Patuloy ang gagawing pagmamatyag ng MMDA sa motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa Macapagal Boulevard sa southern Metro Manila.

Magiging alerto ang MMDA at sisitahin ang mga motorcycle riders na hindi gagamit ng inilaang daanan para sa kanila.

Pagmumultahin ng halagang P500 ang bawat lalabag habang nanganganib namang masuspinde ang mga lisensiya ng mga drayber na paulit ulit na mahuhuli sa nasabing paglabag

Inatasan na rin ni MMDA chairman Francis Tolentino ang kanyang mga traffic personnel na kanselado ang mga leaves ng mga ito hanggang hindi natatapos ang Undas.

Samantala, nilinaw ng MMDA na ang kanilang number coding scheme ay suspendido mula Lunes hanggang Miyerkules upang bigyang daan ang paggunita ng sambayanan sa Undas (All Saints’ at All Souls’ Days).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply