Motorcycle users hihirit ng TRO sa korte

HIHINGI ng Temporary Restraining Order (TRO) sa korte ang grupong Motorcycle Rights Organization (MRO) laban sa implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Diosdado Macapagal Boulevard.

Ayon kay MRO President Jobert Bolaños, dudulog sila ngayong araw sa Quezon City Hall of Justice para hilingin ang pagpapalabas ng TRO laban sa motorcycle lane ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Binigyang-diin ni Bolaños na kaya nila tinututulan ito ay dahil sa pagiging labag sa batas ng naturang patakaran kahit pa aniya maganda ang layunin ng MMDA sa pagpapatupad nito.

Simula sa araw na ito ang full implementation ng motorcycle lane at pagmumultahin ng P500 ang mga nagmomotorsiklong hindi susunod sa implementasyon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply