Motorista nabiyak ang ulo; patay

KAAGAD namatay ang isang drayber ng motorsiklo makaraang bumangga ito sa barandilya ng tulay sa Barangay Barra, Opol, Misamis Oriental.

Nakilala ang biktima na si Albert Miyot at residente ng Kibawe, Bukidnon.

Ayon kay PO1 Rodel Suhaybagyo ng Opol Police Station, mabilis umano ang patakbo sa kanyang motor ng biktima at maaaring nawalan na ito ng kontrol at tuluyang bumangga.

Tumalapon umano ang biktima at nabasag ang ulo nito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply