Motorsiklo sinalpok ng bus: 2 patay

NASAWI ang dalawang nakasakay sa motorsiklo makaraang sumalpok sa kasalubong na Florida bus sa national highway, Alibagu, Ilagan, Isabela.

Ang bus ay galing sa Cagayan at patungong Metro Manila nang makabanggaan ang motorsiklo na patungo sa direksyon ng Tuguegarao City.

Nasa kustodiya naman na ng pulisya ang driver ng bus na si Edwin Cabaya ng Magsinggal, Lallo, Cagayan habang ang mga nasawi na lulan ng motorsiklo na may plakang BC 8376 ay nakilalang si Jerry Bacud at Conrado Bacud, kapwa residente ng District 3, Gamu, Isabela.

Ang dalawa ay nagtamo ng malubhang sugat sa kanilang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung ano sanhi ng banggaan ng dalawang sasakyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply