Motorsiklo vs van; 1 patay, 3 sugatan

PATAY ang drayber ng motorsiklo samantalang tatlo pa ang sugatan matapos itong makipagbanggaan sa isang Hyundai Starex van sa Cagayan de Oro.

Dead on the spot ang biktimang si Johnny Pelaez, residente ng Libona, Bukidnon samantalang sugatan naman ang mga angkas nitong sina Nino Gabina, residente ng Brgy. Bulua at Reniel Clark Balaba, residente ng Macanhan, Carmen.

Sugatan din ang drayber ng Starex van na si Yo Hayonso, isang Korean national habang ligtas na si Hayonso at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa imbestigasyon, head on collision ang nangyari sa dalawang sasakyan kung kaya’t namatay kaagad ang drayber ng motor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply