Mt. Carmel Church nasunog

NASUNOG ang isang bahagi ng Mt. Carmel Church sa Quezon City umaga ng Huwebes, Oktubre 27.

Base sa inisyal na report, nag-umpisa ang sunog badang alas 8:06 ng umaga at idineklarang fire-out bandang 8:25 ng umaga na masuwerteng umabot lamang ito sa first alarm.

Nag-umpisa ang sunog sa caretaker’s quarter ng nasabing simbahan na matatagpuan sa Barangay Mariana, New Manila, Quezon City.

Ayon kay Sister Faustina Bulawin ng Mt. Carmel, wala umanong tao sa naturang quarter nang maganap ang sunog.

Iniimbestigahan naman ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply