MTRT ‘di natinag kay ‘Quiel’

ANUMANG lakas ng ulan o anumang lalim ng baha, hindi natinag ang mga organizer at karerista na ituloy ang 3rd Leg ng Motorcycle Taipei Research Team (MTRT) Club Race noong Linggo, Oktubre 2 sa Boomland Kart Track sa Pasay City.

Dahil sa madulas na race track at malakas na hangin, hindi lamang bilis ngunit galing at diskarte rin ang naging labanan ng araw na iyon.

Nauna na ngang dumiskarte rito si Jeffrey Tria na nakapagsumite ng oras na 4:19.453s matapos ang 6-laps race para sa kategorya ng Scooter 130cc. Sinegundahan naman siya ni Angelo Dacangan at pangatlo naman si Junno Villena. Natapos rin nina Keken Cabahug at Mark Capoy ang 6-laps race, na kapwa magkasunod sa ikaapat at ikalimang pwesto.

3:57.022s naman ang nasumite’ng oras ni Jojie Ishida para sa Scooter 160cc category na sinundan ni James Barcial matapos lamang ang 0.306s.
Nasa ikatlong pwesto si Romer Corbe at ikaapat naman si Arlan Dela Cruz, habang si Gerald Cruz ay ikalima.

Wagi rin sa Race 2 ng Scooter 180cc category si Herbert Lopez na tinapos ang 8-laps race sa loob lamang ng 5:38.741s habang ang sumunod dito na si Victor Laude ay nahuli lamang ng halos dalawang segundo. Top 3 si Masato Fernando habang sina Dustin Esguerra at Mickey Mazo ay kapwa nasa ikaapat at ikalimang pwesto.

Hinati sa dalawang karera ang kategorya ng Underbone 115cc: ang isa ay sa Novice at ang isa naman ay sa Intermediate. Ang top 3 ng Novice class ay sina: 1) James Mendez (1:12.182s), 2) Lyndon Requilme (3:43.452s) at 3) Marlon Santons (3:48.349s). Si Roel Ruebin ang nanalo para sa Intermediate class na nakapagsumite ng oras na 3:54.110s laban sa 4:01.469S ni Gio Adriano at 4:08.041s ni Tracy Gaddi.

Hindi rin nagpahuli sa aksyon sina Reniell Resuello, Tracy Soyancgo at Anthony Roman na naka-podium finish para sa karera ng Underbone 130cc kung saan si Resuello ang nag-uwi ng 1st prize. 22.692s naman ang naging diperensya ni Mark Aldrin Tan sa 3rd placer na si Roman, at halos walong segundo lang ang kanyang lead kay Michael Altamira.

Ilan sa mga kilalang riders ng karera ng 2-wheels ang nagpatalbugan ng araw na iyon sa kategorya ng Underbone 150cc (Intermediate at Expert class). Tanging ang top 2 riders na sina Rizaldy Canare at Nino Fabian ang hindi lumagpas sa 5-minute mark.  Ang 8-laps race ay pinangunahan ni Canare na nakapagtala ng total time na 4:58.561s habang si Fabian naman ay nakapagsumite ng 4:59.430s. Naka- podium finish rin si Mark Indiongco na nag-clock-in ng 5:03.888s, at walang isang segundo ang nakalipas ay sumunod rin si Marvin Mangulabnan.

Muling nakapasok si Anthony Roman sa top 5, habang sina Arlan Dela Cruz at Jeff Chan ang nasa ikaanim at ikapitong posisyon. Si Dustin Esguerra ang huling umarangkada sa finish line na nakapagsumite ng oras na 5:39.103s.

Si James Mendez na 1st placer sa Underbone 115cc-Novice class ang nakapagtala ng Best Time of the Day para sa 6-lap races at si Rizaldy Canare naman para sa 8-laps races na nakakuha ng tropeo sa Underbone 150cc.

Umabot sa halos P10,000 ang halaga ng ipinamigay na mga papremyo.

Ang MTRT –USRA Race ay pinangungunahan nina Henson Hu, Nina Gironella (Stat Med), Ronald Manipon (Turbo Racing), Jake Swann (NRA), Dustin Esguerra (SK) at ng Boomland

Suportado naman ito ng Honda Philippines Inc.,FDR, Racing Boy,AIT, Kymco, Jad Racing, Motul, Repsol, Motolite, KTM, HGM, SRT, SmartBatt, JM Mirasol, Castrol, JP New Tomas, JVT, Spyder, DSF, Gatorade, DBS, 720 Armour and donors Triumph JT Mktg., Deka Trading, Boomland at EverFoam Industrial Corp.

Ang media partners nito ay ang Pinoy Speed sa Pahayagan, Ronda Remate, Stoplight TV, Motorsiklo Xklusibo, Inside Racing, The Racing Line, MCP (Motorcycle Philippines) at Motorista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply